Itinaas na ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang Tropical Cyclone Wind Signal #1 sa lalawigan ng Romblon ngayong alas-11 ng umaga dahil sa banta ng bagyong Tisoy.
Huling namataan ang bagyong Tisoy sa layong 705kph Silangan ng Virac, Catanduanes taglay ang lakas na 140kph malapit sa gitna at may bugso namang 170kph habang gumagalaw patungong west ng sa bilis 25kph.
Maliban sa Romblon, nakataas ang rin ang Signal #1 sa mga probinsya ng Quezon including Polillo Islands, Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Masbate including Burias and Ticao Island, Marinduque, Aklan, Capiz, Northern Iloilo, Northern Antique, Northern Negros Occidental, Northern Cebu, Samar, Biliran, Camotes Island, Leyte, Dinagat Islands, at Southern Leyte.
Nakataas naman ang Signal #2 sa Catanduanes, Northern Samar, at Eastern Samar.
Ayon sa PAGASA, posibleng makaranas bukas ang Romblon ng moderate to occasional heavy rains kasama ang Marinduque at Quezon.
Asahan umano ang mga suspensyon ng klase sa mga lugar na apektado ng bagyo bukas, December 02.