Nakataas na ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 2 sa lalawigan ng Romblon dahil sa bantay ng bagyong Ursula na inaasahang tutumbukin ang probinsya ngayong pasko.
Huling namataan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ang sentro ng mata ng bagyo sa layong 250 km East of Guiuan, Eastern Samar taglay ang lakas ng hangin na 100 kp/h malapit sa gitna at bugsong aabot sa 125 kp/h. Gumagalaw itong West sa bilis na 30 kp/h.
Maliban sa Romblon, nakataas rin ang Signal #2 sa mga probinsya ng Albay, Sorsogon, Masbate including Burias and Ticao Islands, Northern Samar, Eastern Samar, Samar, Leyte, Biliran, extreme northern Cebu including Bantayan and Camotes Islands, northeastern Iloilo, northern Antique, Capiz at Aklan.
Signal #1 naman sa Bulacan, Bataan, Metro Manila, Rizal, Cavite, Quezon, Laguna, Batangas, Camarines Sur, Camarines Norte, Catanduanes, Marinduque, Occidental Mindoro including Lubang Island, Oriental Mindoro, Calamian Islands, Cuyo Islands, Southern Leyte, the rest of northern Cebu, Central Cebu, northeastern Bohol, the rest of Antique, the rest of Iloilo, Guimaras, northern Negros Occidental, northern Negros Oriental, Dinagat Islands, at Surigao del Norte kasama ang Siargao at Bucas Grande Islands.
Inaasahang magla-landfall ang bagyong Ursula sa Eastern Samar mamayang hapon o gabi bilang isang Severe Tropical Storm o Typhoon.