Nag-iwan ng kabi-kabilang pinsala sa mga pananim at mga imprastraktura ang bagyong Ursula sa bayan ng San Jose sa Carabao Island, Romblon.
Matapos ang pananalasa ng bagyo, tumambad sa mga residente ng nasabing bayan ang mga nagtumbahang poste ng kuryente, at mga nabunot na punong kahoy.
Ilang bahay rin ang natanggalan ng bubong dahil sa lakas ng hanging dala ng bagyo.
Sa ngayon, nanatiling walang kuryente sa buong isla habang inaantay ang mga tauhan ng Tablas Island Electric Cooperative na magsasaayos ng mga nagtumbahang mga poste at naputol na mga linya.
Wala ring signal sa bayan ang mobile phones kaya pahirapan ang ilan na makontak ang kanilang mga kamag-anak na nasa isla.