Base sa pinakahuling weather bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), posibleng mag-landfall sa araw ng pasko ang bagyong Ursula sa Tablas Island, Romblon kung mananatili ito sa kanyang direksyon.
Ayon sa 11PM Severe Weather Bulletin ng Pagasa, posibleng dadaan ng Sibuyan Sea ang bagyo at tatama sa Alcantara, Romblon at dadaanan ng mata ang bayan ng Looc, at Ferrol.
Huling namataan si Ursula sa layong 505 km ng Guiuan, Eastern Samar. Lumakas pa ang bagyo at ngayo’y may dalang hanging aabot na sa 85 km/h malapit sa gitna at bugsong aabot hanggang 105km/h.
Gumagalaw itong West sa bilis na 30 km/h.
Sa ngayon, nakataas parin ang signal #1 sa lalawigan ng Romblon gayun rin sa mga probinsya ng Quezon, Laguna, Batangas, Camarines Sur, Camarines Norte, Catanduanes, Albay, Sorsogon, Masbate including Ticao and Burias Islands, Marinduque, Romblon, Occidental Mindoro including Lubang Island, Oriental Mindoro, Cuyo Islands, Northern Samar, Southern Leyte, northern Cebu, central Cebu, northeastern Bohol, Aklan, Antique, Capiz, Iloilo, Guimaras, northern Negros Occidental, northern Negros Oriental, Dinagat Islands, Surigao del Norte including Siargao at sa Bucas Grande Islands.
Signal #2 naman sa Eastern Samar, Samar, Leyte, at Biliran.