Opisyal ng binuksan noong ika-22 ng Nobyembre ang Southern Tagalog Regional Association of State Universities and Colleges (Strasuc) Olympics 2019 na kasalukuyang ginaganap sa bayang ito.
Bago magsimula ang opening ceremony nagkaroon muna ng civic parade paikot sa bayan ng Odiongan ang mga deligasyon mula sa mga kalaok na paaralan kabilang ang University of the Philippines – Los Baños, Batangas State University, Laguna State Polytechnic University, Mindoro State College of Agriculture and Technology, Palawan State University, Southern Luzon State University, University of Rizal System, University of Rizal System, Western Philippines University, Marinduque State College, at ang Romblon State University.
Sa maikling opening ceremony na ginanap sa Odiongan Sports Complex, nagbigay ng mensahe sa harap ng mga kalahok sina Odiongan Mayor Trina Firmalo-Fabic, Romblon governor Jose Riano, PASUC National President Dr. Tirso Ronquillo, at RSU President Arnulfo De Luna.
Sa mensahe ni Odiongan mayor Trina Firmalo-Fabic sa ginanap na opening ceremony, ipinaliwanag niya na ang kagandahan sa mga katulad nitong sports, lahat ay nakakapaglaro ng pantay-pantay.
“Ang kagandahan ng sports, ito’y isang bagay na pwedeng ipakita ang pantay-pantay na antas ng buhay. If we have the skills, talents and discipline, we can excell no mater what our station or background in life, and that is the beauty of sports,” ayon sa alkalde.
Samantala, pinasalamatan naman ni Governor Riano ang Romblon State University sa pamumuno ni President Arnulfo De Luna sa paghahanda para masiguro na magiging maayos ang pag-host ng lalawigan sa taunang olympics.
Si Riano rin ang nautusang magbasa ng mensahe ni Sen. Bong Go na hindi nakadalo sa opening ceremony dahil umano sa ibang comitment.
Batay sa taya ng Romblon State University, may aabot sa 1,912 na mga bisita na binubuo ng mga manlalaro, coaching staff, medics, at mga kawani ng iba’t ibang paaralan, ang dumating sa bayan ng Odiongan para sa palaro.
Magtatagal ang Strasuc Olympics 2019 hanggang sa ika-27 ng kasalukuyang buwan.