Kasalukuyang itinatayo ang malasakit Center sa compound ng Romblon Provincial Hospital (RPH) sa tulong ng pundo mula kay Senator Christopher Lawrence “Bong” Tesoro Go.
Bumisita sa bayang Odiongan noong nakaraang buwan ang mga kinatawan ng opisina ni Senator Go upang ipaalam ang proseso, mga requirements para sa programa gayun na rin ang implementasyon.
Matapos ang isinagawang ocular inspection sa proposed site ay agad na pinaumpisahan ang pagtayo sa nasabing center.
Sinasabing naglaan ng P5 milyong pundo si Senador Go na gagamitin para sa one-stop-shop center upang tulungan ang mahihirap na pasyente.
Ayon sa Coordinator ni Senador Go, layon nito ang “zero balance” sa hospital bill ng mga pasyente kung saan matatagpuan ang desk ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Phil-Health at Social Security System (SSS) na direktang aalay sa mga ito at mapabilis ang serbisyo sa pangkalusugan.
Maglalagay din ng express lane para sa senior citizens at person with disabilities (PWDs).
Ikinatuwa naman ng mga RPH medical personnel ang pagkaloob ng naturang proyekto. – with reports from Joanne Amar