Muling itinanghal na kampeon ang Laguna State Polytechnic University (LSPU) sa katatapos lang na Southern Tagalog Regional Association of State Universities and Colleges (Strasuc) Olympics na ginanap sa bayan ng Odiongan nitong ika-22 hanggang ika-27 ng Nobyembre ngayong taon.
Nakakuha ng 88 gold medals, 69 silver medals, at 49 bronze medals ang mga manlalaro ng LSPU sa iba’t ibang palaro katulad ng swimming, archery, at athletics.
First runner-up naman sa ranking ang Palawan State University na nakakuha ng 71 golds, 73 silvers, at 61 bronze medals. Sinundan ito ng Cavite State University na nakakuha ng 56 golds, 42 silvers, at 54 bronze medals.
Ang Romblon State University na host ng 2019 Strasuc Olympics ay itinanghal na Fourth Runner-up matapos makakuha lamang ng 26 golds, 27 silvers, at 24 bronzes.
Ilan sa mga laro na nakakuha ng ginto ang RSU ay ang boxing, at table tennis.
Ang Southern Tagalog Regional Association of State Universities and Colleges Olympics ay taunang palaro na sinasalihan ng University of the Philippines – Los Baños, Batangas State University, Laguna State Polytechnic University, Mindoro State College of Agriculture and Technology, Palawan State University, Southern Luzon State University, University of Rizal System, University of Rizal System, Western Philippines University, Marinduque State College, at ang Romblon State University.
Batay sa taya ng Romblon State University ngayong taon, may aabot sa 1,912 na mga bisita na binubuo ng mga manlalaro, coaching staff, medics, at mga kawani ng iba’t ibang paaralan, ang dumating sa bayan ng Odiongan para sa palaro.