(2ND UPDATE: JANUARY 5, 2020) | Nakalaya ang lalaking inaresto ng mga tauhan ng PDEA-Mimaropa at ng Odiongan Municipal Police Station matapos umanong mabilhan ng ipinagbabawal na shabu noong November 26, 2019.
Ayon sa kamag-anak ng naarestong si Zandrex Taborete, pinalaya umano ng korte si Taborete dahil umano sa kakulangan ng ibedensya laban rito.
Matatandaang ayon sa police report mula sa Odiongan Municipal Police Station, isang poseur-buyer na police officer ang bumili ng isang sachet ng shabu sa halagang P500 kay Taborete. Pagkatapos magkaabutan, suminyas na ang pulis at dito na inaresto si Taborete. Maliban sa nabili umanong shabu, nakuhaan rin siya ng isa pang sachet ng shabu, at dalawang sachet na pinatuyong dahon ng marijuana.
Ayon kay Captain Manuel Fernandez Jr., ng Odiongan Municipal Police Station, binigyan sila ng panahon upang mag file ng Motion for Reconsideration kaugnay sa kaso.