Tinanghal na kampeon ang Romblon Chess Wizard na si Dr. Jenny Mayor sa ginanap na 2019 GM Rosendo C. Balinas Jr. National Executive Rapid Chess Championship matapos mangingibabaw sa tatlumpu’t dalawang kalaban sa larong ahedres na nagsimula noong September 28, 2019 sa Morong, Bataan at nagtapos sa Ateneo De Zamboanga Lantaka Campus nitong Oktubre 21, 2019.
Ang palaro na inorganisa ng PECA sa pakipagtulungan ng Anvaya Cove Beach and Nature Club at mga personahe kabilang si NA Almario Marlon Bernadino, Jr. Tournament Director at Chief Arbiter; NA Joel Villanueva, Deputy Chief Arbiter, NA Israel Landicho, Arbiter.
Ang dikdikan sa talino at diskarte ay alinsunod sa Swiss system format, kung saan sa kabuuan ay naiuwi ng Dr. Mayor ang P10,000 cash prize at magarang tropeo pagbalik niya sa Maynila bilang gantimpala.
Pumangalawa sa kanya si Eduardo Sumergido, isang Accountant na taga Basilan na nag-uwi ng P7,000 cash at tropeo. Habang ang 3rd place ay nakuha ni Professor Rey Reyes (2018 PECA Grand Finals Blitz Champion) kasama ang P5,000 cash prize at tropeo.
Ang 4rth prize winner ay tumanggap ng P3,000 at medal. Samantalang ang 5th placer ay P2,000 plus medal.
Ang torneyo ay sinalihan ng tatlong (3) International Master na sina; IM Ricardo de Guzman, IM Angelo Young, Ronald Bancod. Kasama ang isang FIDE Master sa katauhan ni FM Christopher Castellano at 3 National Master na kinabibilangan nina; NM Romeo Alcodia, NM Robert Arellano at NM Efren Bagamasbad.
Matatandaan na naging 7-times Champion na si Dr. Mayor sa nasabing larangan.
Ang pagkaroon ng 2019 Rosendo C. Balinas Jr. National Executive Rapid Chess Tournament ay bilang pag-ala-ala ky Atty. Rosendo Balinas Jr. bilang ikalawang chess Grand Master ng Pilipinas nang manalo ito sa Russia noong 1976. – with reports from Joanne Amar