Mahigit isang buwan bago magpasko, pinailawan na ngayong gabi ang kauna-unahang natayong Giant Christmas Tree sa bayan ng Odiongan, Romblon na matatagpuan sa tabi ng barangay hall ng Barangay Mayha.
Masayang sinaksihan ng mga residente ng Barangay Mayha ang pagpapailaw na sinimulan sa kantahan, sayawan, at pamamahagi ng mga candies.
Ang nasabing Christmas Tree na may taas na 12 ft, ay gawa sa halos 700 recycled bottles ng softdrinks na inipon para mabuo ang Giant Christmas Tree.
Maliban sa mga bote, ang Christmas Tree ay tadtad rin ng mga stars at pailaw na sumasabay sa tunog ng speaker kaya hindi napigilan ng ilang residente na magpalitrato.
Bukas sa publiko ang Giant Christmas Tree mula ngayong gabi hanggang sa January 2020.