Pinailawan sa harap ng daan-daang manonood nitong Biyernes, November 22, ang Giant Christmas Tree ng bayan ng Alcantara na itinuturing na pinakamalaking Christmas Tree sa buong probinsya ng Romblon.
Ang nasabing Christmas Tree na matatagpuan sa Christmas Capital ng Romblon ay may taas na mahigit 90 ft, at gawa sa kawayan na pinuno ng mga kulay berde at dilaw na Christmas lights.
Kasabay ng pagpapailaw sa Christmas Tree ay pinailawan na rin ang iba pang atrasksyon sa parke ng bayan ng Alcantara na gawa ng iba’t ibang barangay katulad ng malalaking belen, tunnel of lights, at iba pa.
Sa mensahe ni Mayor Riza Pamorada sa publiko, pinasalamatan nito ang mga tumulong para matapos ang Giant Christmas Tree at ang iba’t ibang opisyal ng Barangay na nakiisa sa taunang pagpapailaw ng kanilang parke.
Bukas ang parke sa publiko gabi-gabi hanggang January 2020.