Hindi makakarating ang panauhin pandangal ng opening ceremony ng Southern Tagalog Regional Association of State Universities and Colleges (STRASUC) Olympics 2019 sa bayan ng Odiongan, Romblon ngayong hapon na si Senator Christopher ‘Bong’ Go, ayon sa isang opisyal ng Romblon State University.
Ayon sa ulat ng The Harrow, kasama si Go ni Pangulong Duterte na tutungo ng Busan, South Korea para sa gaganaping Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) — Republic of Korea Commemorative Summit kaya hindi makakarating ng Romblon.
Kahit wala si Go, inaasahan namang dadalo sa opening ceremony sina Congressman Eleandro Madrona, Romblon Governor Jose Riano, Dr. Tirso A. Ronquillo, PSAUC National President; at ang iba’t ibang presidente ng mga State Universties and Colleges na kalahok sa palaro.
Gaganapin ang opening ceremony sa Odiongan Sports Complex ngayong alas-3 ng hapon, matapos ang isasagawang civic parade sa bayan ng Odiongan.
Batay sa pinakahuling taya ng Romblon State University, aabot sa 1,912 na delegado mula sa iba’t ibang State Universties and Colleges sa Calabarzon at Mimaropa ang dumating sa Romblon para sa palaro.