Isang pamilya sa Barangay Bangon sa bayan ng Odiongan ang inilikas ng mga tauhan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) dahil sa banta ng pagguho ng kanilang bahay patungo sa ilog.
Sa kuha ng Romblon News Network, makikita ang ilog na umiba na ang direksyon at dumadaan na sa bahay ng pamilya Salvador.
Nangangamba ang pamilya na baka ilang oras nalang ay tuluyan nang kainin ng ilog ang kanilang bahay lalo kung mahina uman ang inilagay na riprap sa kalsada. Umaga palang umano ay malakas na ang ulan
Nangangamba ang pamilya na baka ilang oras nalang ay tuluyan nang kainin ng ilog ang kanilang bahay lalo kung mahina umano ang inilagay na riprap sa gilid ng Ilog. Umaga palang umano ay malakas na ang ulan sa kanilang lugar.
Ayon sa MDRRMO, umapaw umano ang ilog kaya napunta sa bahay ng pamilya Salvador ang daloy ng tubig, kasunod ng malakas na buhos ng ulan kaninang madaling araw.
Nakikipag-ugnayan na rin umano ang lokal na pamahalaan sa kontraktor ng nasabing rip-rapping project.