Binasura ng Sandiganbayan ang inihain ni Romblon congressman Eleandro Madrona na ‘motion for leave to file demurrer to evidence’, base sa desisyon na nilabas nitong October 16.
Sa apat na pahinang desisyon na nilabas ng Sandiganbayan, sinabi ng korte na inconsistent ang mga argumento ng grupo nina Madrona, kasama ang dalawang dating government officials na sina Oscar Galos at Geishler Fadri.
“After an examination of the prosecution’s evidence and the arguments in accused Madrona, Galos and Fadri’s Motion, this Court rules that said arguments are not inconsistent with the material facts proved by the prosecution’s evidence, i.e., the resort to the alternative method of procurement of direct contracting without sufficient justification,” ayon sa Sandiganbayan.
“Thus, granting them leave to file their demurrer to evidence on such grounds will accomplish nothing but delay in the proceedings,” dagdag pa sa inilabas na desisyon.
Ang paghain ng ‘demurrer to evidence’ ay isang aksyon para i-contest ang ebidensya ng prosecution upang ipalabas na hindi sapat ito para magbigay ng hatol sa nagkasala. Kung igagawad ito ng korte, ang kaso ay ibabasura.
“Wherefore, accused Madrona, Galos and Fadri’s Motion for Leave to File Demurrer to Evidence is hereby denied for lack of merit,” ayon sa Sandiganbayan.
Samantala, binigyan ng limang araw ang kampo ni Madrona para sa kanilang manifestation.
Ang kasong kinakaharap ng mambabatas ay may kaugnayan sa P4.8 million fertilizer fund scam noong 2004.
Si Madrona ay nahaharap sa kasong di umano’y paglabag sa Section 3(e) of R.A. 3019 or the Anti-Graft and Corrupt Practices Act noong siya pa ay Gobernador matapos bumili ng mga liquid fertilizers sa Feshan Philippines Inc. ng hindi dumadaan sa public bidding.