Ilang personalidad at local government unit ang binigyan ng parangal kamakailan sa ginanap na 2019 Regional Nutrition Awarding Ceremony sa Acacia Hotel Manila sa Alabang, Muntinlupa.
Isa sa mga ginawaran ay ang yumaong Vicente Ylagan, dating Provincial Nutrition Action Officer ng Romblon, nabinigyan ng Plaque of Recognition ng Regional Awards Committee dahil sa pagiging aktibong leader nito pagdating sa nutrition program ng probinsya.
Tinanggap ang parangal ng pamangkin ni Ylagan na si Carl Joseph Ylagan Formadero.
Kabilang naman sa naging finalist bilang 2018 Oustanding Barangay Nutrition Scholar (BNS) ay si Rejina Caunca ng Barangay Tabugon, Santa Fe, Romblon; samantalang si Mrs. Merly Bayan ng Romblon Provincial Health Office ay napabilang sa finalist para sa pagiging 2018 Outstanding District Nutrition Program Coordinator.
Finalist rin sa 2018 Oustanding Barangay Nutrition Committee (BNC) ang Barangay Tabugon.
Samantala, ang bayan ng Odiongan ay ginawaran ng “Certificate of Quality Nutrition Program” bilang oustanding municipality para sa taong 2018 ng probinsya. Binigyan rin ang probinsya ng Romblon ng citation bilang ‘Most Promising Province in the Region’.
Bukod sa Odiongan, itinaghal rin na oustanding municipality ang bayan ng Naujan sa Oriental Mindoro, San Jose sa Occidental Mindoro, Mogpog sa Marinduque, at San Vicente sa Palawan.
Layunin ng organizer ng event na maparangalan ang mga nagtatrabaho para mabawasan ang malnutrition sa rehiyon ng Mimaropa at mas mapursige ang mga lokal na pamahalaan na magtrabaho para patuloy na lumiit ang bilang ng mga ito.