Dalawang araw bago ang UNDAS, walang nakitang pagtaas sa presyo ng mga kandila ang Kagawaran ng Kalakalan at Industriya (DTI) sa mga pamilhan sa lalawigan ng Romblon.
Ayon sa tagapagsalita ng DTI na si Grace Fontelo, walang nakikitang pagbabago sa presyo ng mga kandila at kung meron man ay sobra umano itong minimal.
Batay sa suggested retail price na nilabas ng DTI noong kataposan ng Setyembre, ang mga kandila katulad ng Liwanag candles ay may presyong P27.50 hanggang 145.50, iba pa rito ang mga kandila na lokal na ginagawa sa probinsya ng Romblon.
Sa pag-iikot ng Romblon News nitong Miyerkules, kapansin-pansin na kakaunti palang na mga tindahan ang nagsisimulang magbenta ng mga kandila.
Ayon sa mga tindahan na nakausap ng news team, posibleng bukas o sa mismong araw ng UNDAS magsimula ang iba na magbenta ng mga kandila.