Bilang paghahanda sa All Saints’ Day and All Souls’ Day, nagsimula ng maglatag ngayong araw ng mga Malasakit Help Desks ang mga tauhan ng Philippine Ports Authority sa lahat ng pantalan sa lalawigan, alinsunod na rin sa kautusan ng Department of Transportation (DOTr).
Sa pantalan ng Romblon, kung saan entry port sa kapitolyo ng probinsya, naka-standby na ang mga tauhan ng Philippine National Police, Philippine Ports Authority, Philippine Coast Guard, Maritime Group, at ilang representatives ng dumadaong na barko sa pantalan.
Layunin ng Malasakit Help Desks na makapagbigay ng tulong sa mga biyahero kung may kailangan sila, at dagdag siguridad sa pantalan para masigurong ligtas ang mga uuwi ngayong UNDAS.
“It is imperative that all our MHDs are properly manned and equipped to address the varied concerns and requests for assistance by the public. Napakaraming Pilipinong bumibiyahe tuwing Undas, at ayokong nagkukulang tayo sa pag-aasiste sa kanila. Gawin nating maginhawa at maayos ang kanilang paglalakbay (A lot of Filipinos travel during this season and we don’t want to be lacking in providing them assistance. Let’s make their travel easier and convenient),” Ayon kay DOTr Sec. Arthur Tugade.
Sinabi rin ni Tugade na mamimigay sila ng Malasakit Help Kits para sa mga pregnant women, women with children, the elderly, at mga persons with disabilities (PWDs) na babiyahe ngayong UNDAS.