Isang sugatan na dwarf sperm whale ang nailigtas ng mga tauhan ng barangay at ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Barangay Tumingad, Odiongan, Romblon pasado alas-6 ng umaga kanina.
Ayon kay Brgy. Captain Louie Falcunit, nakita ng isang residente ang whale na duguan at may sugat sa ulo kaya agad siyang humingi ng tulong sa barangay at DENR.
Agad naman pumunta ang mga tauhan ng DENR para suriin ang sugatan na dolphin.
Ayon sa sumiri rito, may haba itong 2.40 meters.
Hindi malinaw kung saan nakuha ng dolphin ang sugat.
Ayon kay Falcunit, agad namang pinakawalan sa dagat ang dolphin matapos masiguro ng ma tauhan ng DENR na ligtas ang kalagayan nito.