Tinukoy ng Department of Environment and Natural Resources-Mines and Geoscience Bureau (DENR-MGB) ang probinsya ng Romblon na isa sa labingwalo na mga probinsya sa bansa na may mataas na panganib ng pagguho ng lupa.
Ang 18 lugar sa Pilipinas na kasama ang Romblon ay ang Benguet, Mountain Province, Abra, Nueva Vizcaya, Davao Oriental, Ifugao, Aurora, Apayao, Quirino, Kalinga, Camiguin, Southern Leyte, Sarangani, Siquijor, Quezon, Bukidnon, at Negros oriental.
Lumabas ang listahan kasunod ng magnitude 6.3 na lindol na tumama sa Mindanao noong nakaraang Linggo.
Dahil dito, pinaalalahanan ng DENR-MGB ang lahat ng alkalde at gobernador sa mga nabanggit na lugar na gumawa ng mga hakbang para upang mapaghandaan at maiwasang mabiktima ng landslides ang mga residente ng kanilang nasasakupan.
Ayon sa MGB, handa silang tumulong sa mga LGUs pagdating sa paghahanda para sa mga geohazards na gaya ng landslides at mudslides.