Napansin ng Commission on Audit (COA) sa kanilang post-audit sa probinsya ng Romblon ang improprieties and defects sa ginagawang procurement process ng probinsya ng Romblon noong 2018.
Ayon sa COA, umabot ng halos P36.21 million pesos ang binili ng provincial government noong 2018 na hindi umao sakop ng inaprubahang Annual Procurement Plan (APP).
Ayon sa section 7 ng 2016 Revised Implementing Rules and Regulations ng Republic Act No. 9184 o ang procurement law, ang provincial government ay dapat inihahanda ang plano para sa iba’t ibang programa, proyekto, at aktibidad, at dapat itong ipagsama-sama sa isang AAP.
Imbes na sundin ng Bids and Awards Committee (BAC) ang sinasabi sa batas, ginawang practice umano ng BAC ang “purchase request basis”.
“The improper planning resulted in unwarranted resorting to alternative methods of procurement. This condition could have been prevented had the requirements of the Province were consolidated into a APP and given sufficient lead time and properly planned. ” ayon sa report ng COA.
Maliban sa paggamita ng purchase request basis, napansin rin ng COA ang di umanoy ‘splitting contracts’ na ginagawa ng provincial government, kung saan an gisa umanong kayang bilhin sa isang transaction ay pinaghahati-hati.
Napansin rin ng COA ang hindi sapat na documentation, late submission ng mga completed contracts, at ang hindi pagpost ng mga presyo at notices of award.
“The aforementioned lapses rendered the corresponding contracts/POs defective and caused inefficiencies to the disadvantage of the government and could have been prevented had the same been properly and well planned,” ayon sa report ng COA.
Nangako naman ang BAC na ipatutupad nila ang nasasaad sa batas.