Sa ilalim ni Chief Inspector Herald Castillo, Provincial Fire Marshal ng Bureau of Fire Protection sa lalawigan ng Romblon, ay matagumpay na naidaos sa bayan ng Odiongan ang ika-6 na Regional Fire Olympics kamakailan sa Odiongan South Central Elementary School.
Ayon kay Castillo, ang palarong Regional Fire Olympics na kauna-unahang na ginanap sa lalawigan ng Romblon ay alinsund sa Republic Act 9514 o mas kilala bilang Fire Code of the Philippines of 2008, dito nagpapamalas ng abilidad o kakayahan ang mga bombero.
Layon din nito na maipakita ang tibay at diskarte ng mga BFP personel at fire volunteers pagdating sa ropemanship & rappeling techniques, first aid and basic life support, at paglaban sa apoy.
Sa huli, itinanghal na kampeon ng palaro ang Fire Brigade mula sa Brgy. Puntabaja, Rizal sa Palawan, First runner-up ang Victoria Fire Brigade ng Oriental Mindoro, at Second runner-up ang Romblon Fire Volunteer ng Romblon, Romblon.
Ang nasabing aktibidad ay bukas rin para sa publiko katulad nalang ng mga estudyante na mula pa sa Looc National High School na dumayo pa sa bayan ng Odiongan para lang masaksihan ang aktibidad.
Nagpaapasalamat naman sina Senior Supt. Rizal Simbajon, Regional Director ng BFP-MIMAROPA, sa ginawang sakripisyo ng lahat dahil nakita umano nila ang kahandaan ng mga tauhan ng BFP sa kabuuan.