Setyembre 6 ang itinakdang huling araw ng aplikasyon para sa Contribution Penalty Condonation Program o CPCP.
Nilalayon ng CPCP na bigyan ng pagkakataon ang mga employer na hindi nakapagbayad ng mga kontribusyon sa Social Security System (SSS) ng kanilang mga kawani para mabayaran ang kanilang obligasyon at maiwasang magbayad ng mataas na multa.
Kasama sa mga target ng CPCP na maabot ang mga taong hindi nakapag-remit ng kontribusyon sa SSS ng kanilang mga kasambahay.
Ang iba pang mga employer na maaring makinabang sa CPCP ay ang mga sumusunod: (1) yung mayroong nakabinbin o kaya ay aprubadong panukala sa ilalim ng SSS Installment Payment Scheme Program; (2) yung mga may naka-binbin o kaya aprubadong aplikasyon sa ilalim ng SSS program for Acceptance of Properties sa pamamagitan ng Dacion en Pago; (3) yung mayroong nakabinbing kaso na may kinalaman sa koleksyon ng kontribusyon at/o kaya ay multa o hindi pag-uulat ng kanilang kawani sa Social Security Commission (SSC), hukuman, Department of Justice o kaya sa Office of the Prosecutor; (4) yung mga nakapagbayad ng kontribusyon bago ang papatupad ng RA 1119 ngunit mayroong bayad o bahagyang bayad na multa para sa kalawan o atrasadong remittance; at (5) yung mayroong Warrant of Distraint/Levy/Garnishment (WDLG) o nabigyan ng Encumbrance.
Hinihikayat ng SSS ang mga nasabing employer na magsadya sa pinakamalapit na sangay ng kanilang tanggapan sa kanilang lugar.
Sa Mimaropa, matatagpuan ang mga sangay ng SSS sa mga sumusunod na lugar:
(1) Oriental Mindoro (CALAPAN CITY—Uy Bldg., corner Roxas and Governor Ignacio Streets, Lumangbayan na may telepono bilang na: (043) 286-7133 at (043) 288-2267 (facsimile); CALAPAN PEC— (043) 288-2267, (043) 286-7133 at (043) 288-2427); at BONGABONG—Atienza Bldg., P. Burgos corner Mabini Streets, Poblacion na may telepono bilang na (043) 283-5110.)
(2) Occidental Mindoro (SABLAYAN— Sablayan Municipal Hall Building, Brgy. Buenavista; and SAN JOSE—Calayon Bldg., Palma sa kanto ng Sikatuna street na may telephono bilang na 63 (043) 491-7958 at (043) 491-7958 (facsimile);
(3) Marinduque (BOAC— 10 De Oktubre St, Brgy. Malusak na may telepono bilang na (042) 332-1872 at (042) 3321872 (facsimile);
(4) Romblon (ODIONGAN—FLH Promenade Suite, Plaridel Street, Sitio Cocoville, Dapawa na may telepono bilang na (042) 567-5114; at
(5) Palawan (TAYTAY—Taytay Municipal Hall Bldg; PUERTO PRINCESA CITY (PPC)—Ground Floor, Grandway Building, Eastville City Walk, San Pedro na may telepono bilang na (048) 433-7147 at (048) 433-2726 (facsimile); PUERTO PRINCESA CITY PEC—Go Siong Kuan Bldg., Lacao Street, Lacao Street, telepono bilang na (048) 433-7147, (048) 433-7148 at (048) 433-1671; ROBINSONS PLACE PALAWAN—National Highway, San Miguel, PPC.; at BROOKE’S POINT—Brooke’s Point, Municipal Hall Bldg.
Pwede ring tumawag sa SSS Trunkline No. (632) 920-6401, sa SSS Call Center: 920-6446 to 55 o kaya sa Toll-Free No.: 1-800-10-2255777 o magpadala ng sulat o mensahe sa member_relations@sss.gov.ph o kaya sa https://www.facebook.com/SSSPh. (Lyndon Plantilla/PIAMIMAROPA)