Hindi nanaman nakalapag sa Tablas Romblon ang eroplano ng Cebgo at napilitan nalang bumalik ng Ninoy Aquino International Airport dahil sa masamang panahon na naranasan sa Romblon nitong Miyerkules, September 18.
Ayon sa pamunuan ng CebgGo, bandang 1:08 ng hapon ng umalis ng Terminal 4 ang eroplano patungo sana ng Tablas Island ngunit ilang beses itong umikot para sana mag-land sa airport ngunit bigo ito dahil sa nararanasang malakas na ulan sa Alcantara, Romblon dahilan upang mag zero visibility sa runway ng Romblon Airport.
Dahil dito, kinansela rin ang CebGo Flight DG 6074 na biyaheng Tablas – Manila.
Ang mga pasahero pagbalik ng NAIA ay binigyan ng chance para e refund ang kanilang ticket o di kaya ay ire-book sa ibang araw.
Ang pag-uulan na nararanasan sa Romblon ay dala ng Habagat na pinapalakas ng bagyong #Nimfa.