Niyanig ng magnitude 4.5 na lindol ang Romblon pasado alas 6:30 ngayong gabi ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.
Ang sentro ng lindol ay naitala sa 023km northwest ng bayan ng San Jose, Carabao Island, Romblon.
Ramdam ang lindol sa mga bayan ng Romblon, Odiongan, Alcantara, Ferrol at iba pang bayan sa Tablas Island.
Ramdam naman ang intesity I sa La Carlota City, Negros Occidental at sa San Jose, Occidental Mindoro.
Intensity II naman ang naramdaman sa Malinao at Kalibo sa Aklan, at sa Sebaste sa Antique.
No damages reported yet
Wala pa naman umanong naitatalang pinsala ang lindol sa bayan ng San Jose ayon kay mayor Ronnie Samson ng makausap ng Romblon News Network.
“Wala pa namang nairereport sa amin. Pinapaikot ko na ang aming Municipal Disaster Risk Reduction Management Officer para matingnan kung may mga pinsala ba yang lindol,” ayon kay Samson.
“Malakas yung lindol e, magnitude 4.5, sana safe ang lahat,” dagdag ni Mayor Samson.