Inanunsyo sa pamamagitan ng isang press release ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office MIMAROPA na simula sa September 4 ay magsasagawa na sila ng distribution ng mga delayed grants nilang sakop ang mga buwan mula December 2018 hanggang May 2019.
Ayon sa DSWD-MIMAROPA, ang pagkaantala ng pag release nila ng grants ay dahil sa natapos na kontrata ng Landbank of the Philippines (LBP) sa kanilang conduit na tumutulong sa pagdistribute ng grants sa mga lugar na walang LBP.
Ang National Confederation of Cooperatives (NATCCO) umano ang papalit na tutulong sa Landbank matapos mapagdesisyunan sa sunod-sunod na meetings at biddings kaugnay rito.
Ang payout ng aabot sa 1,468,325,1000 pesos ay gagawin mula September 4 hanggang 27 para sa 168,526 na 4Ps beneficiaries sa buong MIMAROPA Region (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan) na walang LBP EMV cards o First Consolidated Bank Pitakards dahil ang mga meron na ay nabigyan na ng grant noong nakaraang buwan.