Isang province-wide na coastal clean-up drive na pinangunaha ng Civil Service Commission of the Philippines ang ginanap sa probinsya ng Romblon ngayong araw.
Sa bayan ng Santa Maria, wala pang alas-8 ng umaga ay nagsimula ng maglinis ang mga empleyado ng lokal na pamahalaan sa nasabing bayan kasama ang ilang mga guro at estudyante ng Romblon State University, at mga pulis.
Naglinis sila ng mga nagkalat na plastic, bote, at iba pang basura sa coastal areas ng Barangay Concepcion Norte.
Sa bayan naman ng Corcuera, sabay-sabay rin na naglinis ang lahat ng ahensya sa kanilang mga coastal areas.
Maliban naman sa paglilinis, sinabayan rin ng pagtatanim ng mangrove ng mga kawani ng lokal na pamahalaan ng Odiongan ang atkibidad na ginanap ngayong araw.
Nakilahok ang lahat ng national government agencies kasama na ang mga tauhan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng pagdiriwang ng probinsya sa ika-119th year anniversary ng Philippine Civil Service.