Tatlong aftershocks ang naramdaman pa sa Romblon kasunod ng magnitude 4.5 quake na tumama sa probinsya pasado alas 6:30 ngayong gabi.
Ayon kay Dr. Renato U. Solidum, Jr. hepe ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology, ang unang aftershock na may lakas na magnitude 3.2 ay naitala bandang 6:44 ng gabi sa layong 24km NW ng San Jose, Romblon.
Sinundan ito ng magnitude 2.5 na afterschok na may sentro naman sa layong 7km NW ng parehong bayan.
Ang ikatlong aftershock na may lakas na magnitude 2.3 ay naitala sa layong 16km NW ng San Jose.
Walang inaasahang damage ang mga nasabing pagyanig ayon kay Dr. Solidum.