Masayang ibinalita ng pamunuan ng Tablas Island Electric Cooperative (TIELCO) Inc. na aabot ng siyamnapu’t limang porsyento (ng mga pamamahay sa mga isla ng Tablas at Carabao ang meron ng natatamasang kuryente.
Ayon kay Engr. Orville Ferranco, General Manager ng TIELCO, mahigit 43,000 na bahay na ang kanilang naseserbisyuhan sa Isla pa lamang ng Tablas, dagdag pa rito ang mahigit 2,200 bahay na kanilang napailawan sa bayan ng San Jose na matatagpuan sa Isla ng Carabao.
“It’s safe to say na mga more than 95% na ang napailawan for Tablas and Carabao Island becuase sa Carabao Island about 2,200 ang household na nalagyan natin ng kuryente pero wala pang 2,000 yung nakalagay sa cencus,” ayon kay GM Ferranco nang dumalo sa Kapihan sa PIA-Romblon nitong ika-2 ng Setyembre, kasama ang ISD Manager ng TIELCO na si Dennis Alag.
Pinaliwanag rin ni GM Ferranco na kahit mahigit isang daang porsyento na ang kanilang napailawan sa dalawang isla base sa bilang ng bahay na nasa 2015 census, may mga natitira parin umanong walang ilaw dahil buwan-buwan ay nadaragdagan ang mga ipinapagawang bahay mapa sa patag man o sa kabundukan ng dalawang isla.
“‘Yung 42,000 kasi na target natin sa Odiongan, moving target yan, so hindi natin masasabi na stop na tayo sa 42,000 dahil parang nanganganak kasi yang mga bahay, dumarami rin ang mga nagpapatayo at nangangailangan ng kuryente,” dagdag ni Ferranco.
“May mga lugar kasi na malayo talaga, pero unti-unti naman natin silang inaabot sa pamamagitan ng mga programa ng gobyerno katulad nalang nitong Sitio Electrification Program ng Department of Energy. Sa ngayon lang kasing 2019 humina siya dito kasi nakatutok ang programa sa Mindanao pero sana sa susunod na taon ay ang mga natirang hindi napailawan ay maabot na ng kuryente,” pagpapaliwanag ni GM Ferranco.
Hinihikayat naman ng pamunuan ng TIELCO ang mga pamamahay na wala pang kuryente na huwag mahiyang lumapit sa kanilang opisina sa bayan ng Odiongan at sa Carabao Island para mag-apply ng linya ng kuryente. Magdala lamang umano ng requirements katulad ng electricla plan at building permit para maproseso agad ang kanilang aplikasyon sa.