Ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) – Romblon ay magsasagawa ng job fair o tinawag nilang World Café of Opportunities (WCO), isang one-stop shop para sa mga job seekers sa probinsya ng Romblon.
Ayon kay Romblon TESDA provincial director Armando Aquino, maaring pumunta sa WCO ang mga graduate ng TESDA na hindi pa nakakahanap ng trabaho dito sa probinsya.
Ang World Café of Opportunities ay highlight ng pagdiriwang ng TESDA sa kanilang 25th year anniversary at ng National Tech-Voc Day. Gaganapin ito sa August 28 sa Romblon National Institute of Technology (RNIT) sa Alcantara, Romblon.
Ang ilang employeers na pupunta ay mangagaling pang Metro Manila para maghanap ng construction workers, ITs, at hotel workers.
Maliban sa job fair, pwede ring mag enrol ang mga gusto kumuha ng kanilang courses na: Autmotive Servicing NC I and NC II, Bread and Pastry Production NC II, Carpentry NC II, Dressmaking NC II, Driving NC II, Electrical Installation and Maintenance NC II, Food and Beverage Services NC II, Food Processing NC II, Masonry NC II, Motorcycle/Small Engine Servicing NC II, RAC Servicing NC II, Shielded Metal Are Welding NC I at II, Tile Setting NC II, Tourism Promotion Services NC II, Events Management Services NC II, Electronic Products Assembly and Servicing NC II.
Meron rin silang Bartending NC II, Housekeeping NC II, Wellness Massage NC II, Hairdressing NC II, Beauty Care NC II, Heavy Equipment Operation NC II, Computer Systems Servicing NC II, and Computer System Servicing NC II.