Inanunsyo ng Office of the Student Affairs & Services ng Romblon State University Main Campus sa pamamagitan ng isang Memorandum Order ang pagsuot ng protective clothing ng mga estudyanteng babae sa halip na school uniform para makaiwas sa kagat ng lamok na posibleng may dalang sakit na dengue.
Ayon sa order na pirmado ni Dr. Ester Forlales, Director ng RSU-Office of the Student Affairs & Services, ang mga estudyanteng babae ay ‘exempted’ sa pagsusuot ng school uniform simula sa August 13.
Pinaalalahan niya na magsuot ng jeans o pants at mga light color blouses ang mga estudyanteng babaeng walang type B uniform (slacks, at blouse).
Ang hindi pagsusuot ng mga palda ng mga estudyante ay iiril hanggang sa bawiin ng pamunuan ng Romblon State University ang nasabing order.
Isa umano ito sa hakbang ng administrasyon ng Romblon State University para maiwasan ng mga estudyante ng unibersidad na magkasakit ng dengue lalo pa ngayong sunod-sunod ang pag-uulan na naranasan sa probinsya.