Nagbigay ng cash assistance ang Provincial Government ng Romblon sa pangunguna ni Governor Jose Riano sa sinalanta ng magkasunod na magnitude 5.4 at 5.9 na lindol sa Batanes noong nakaraang buwan.
Inaabot ang cash assistane kay Batanes Governor Marilou Cayco na aabot sa 100,000 pesos nitong Lunes, August 12.
Sinabi ni Governor Riano ng makausap ng Romblon News Network, na malaking bagay ang inaabot na tulong sa probinsya ng Batanes lalo pa ngayon at maraming bahay ang sinira ng lindol, lalo na sa Itbayat.
Matatandaang umabot ng Intensity VII ang pagyanig na nangyari noong 7:37 ng umaga, na sinasabing “destructive” ng Philippine Institute of Volcanology and Seigmology o PHIVOLCS.
Batay sa taya ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, aabot sa 15 kabahayan, dalawang eskwelahan at dalawang health facilities ang nasira ng lindol habang aabot sa walo ang namatay.
Nagpasalamat naman si Governor Cayco sa probinsya ng Romblon dahil sa ibinigay nilang tulong sa kanilang probinsya.