Pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagpapasinaya sa Miyerkules ng 7.5 megawatt peak (MWp) solar power project sa Odiongan, Romblon.
Ang nasabing Solar Power Plant na itinayo ng Sunwest Water and Electric Company (SUWECO) kasama ang kanilang 8.8-megawatt (MW) diesel-fired power plant ay inaasahang magbibibgay ng kuryente sa aabot na 43,400 kabahayan sa isla ng Tablas.
Dahil sa solar power plant at sa diesel-fired power plant, ang Tablas Island na ang ituturing na bahay ng pinakamalaking Hybrid Solar-Diesel Microgrid with battery sa buong Pilipinas.
Ayon sa SUWECO Tablas Energy Corporation (STEC), 2018 nang kanilang simulan ang construction ng 8.92 hectare na solar power plant at inaasahang mag-ooperate ito simula Setyembre ngayong taon.
Sa ulat ng pahayagang Abante, sinabi ritong 3 milyong litro ng fossil fuel ang matitipid at mababawasan din ang carbon emmission ng 6.5 million kilogram kada taon at tinatayang P180 milyon ang matitipid ng gobyerno kada taon mula sa subsidy at universal charge ng missionary electrification.
Matatandaang 2013 ng magkaroon ng kasunduan ng SUWECO at ang Tablas Island Electric Cooperative, Inc. (TIELCO) kaugnay sa pag-supply sa 7.5 megawatt electricity requirement ng Tablas Island.