Nakabalik na nitong Miyerkules, August 14, sa Romblon ang mangingisdang nailigtas sa San Pascual, Masbate matapos masira ang kanyang bangka nitong nakaraang Linggo sa kalagitnaan ng hagupit ng habagat na pinapalakas ng bagyong Hanna.
Kinilala ang mangingisda na si Vernald Monte, 29-anyos.
Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management (MDDRM) Office ng San Pascual, Masbate, natagpuan si Monte ng mga mangingisda sa Sitio Talisay, Bragy. Mabuhay ng iba pang mangingisda.
Tinangay si Monte ng malakas na alon ng karagatan sa Masbate at umabot ng 12 oras na nagpalutang-lutang sa karagatan bago makita ng kapwa mangingisda sa Masbate.
Sinundo si Monte sa Masbate nitong Miyerkules ni Romblon MDRRM Officer Ceasar Malaya kasama ang mga tauhan ng Coast Guard Station – Romblon.
Nagpapasalamat naman ang mangingisda sa mga tumulong sakanya sa probinsya kung saan siya napadpad lalo na sa mga kapwa nito mangingisda na hindi nagdalawang isip na patuluyin siya ng ilang araw sa kanilang Barangay.