Patay na ng dumating sa Romblon Provincial Hospital (RPH) ang isang grade 5 student na nakuryente sa San Andres, Romblon nitong gabi ng Martes, August 20.
Kinilala siya ng kanyang kapatid na si Ranzel Mingo Seraspi, 12-taong gulang, residente ng Barangay Mabini.
Kwento ng kanyang kapatid, nakikinood umano ito sa television ng kapitbahay bandang alas-8 ng gabi nang mangyari ang hindi inaasahang aksidente.
Agad na tumawag ng tulong ang kapitbahay ng biktima para madala ito sa ospital ngunit idineklara itong dead on arrival pagdating sa Romblon Provincial Hospital.
Pinaalam na sa San Andres Municipal Police Station ang pangyayari upang maimbestigahan kung paano nakuryente ang 12 anyos na bata.