Pumanaw na sa edad na 65 ang environmental advocate at dating Environment and Natural Resources secretary na si Gina Lopez.
Kinumpirma ito nitong Lunes ng ABS-CBN management.
“Gina was the pillar of strength that pushed AFI to achieve what seemed to be impossible. Her caring heart and selfless kind of love inspired people within and beyond the organization to help and serve others,” ayon sa pahayag ng ABS-CBN.
While we mourn with Gina’s family and loved ones, we also pray that her legacy continues to live on in the heart of every Kapamilya she had touched in her lifetime.
“We will never forget her and will continue to honor her remarkable contributions not only to ABS-CBN, but the entire nation.
“Thank you Gina, for showing us how it is to live in the service of the Filipino,” sabi ng kompanya.
Taong 2016 pag-upo ni Pangulong Rodrigo Duterte, nagsilbi bilang kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) si Lopez, kung saan nakipaglaban siya sa mga dambuhalang kompanya ng pagmimina.
Si Lopez ay naging malapit sa puso ng mga taga-Romblon matapos itong makiisa sa laban kontra sa pagpasok ng mga malalaking minahan sa probinsya.