Binasura ng Commission on Elections (COMELEC) ang election protest na inihain ni dating Sangguniang Panlalawigan member at dating vice gubernatorial candidate na si Armando Gutierrez laban sa nanalong Vice Governor ng Romblon na si Felix Ylagan.
Batay sa order na nilabas ng First Division ng COMELEC noong August 6, sinabi rito na improperly filed umano ang nasabing election protest.
“it is evident that the instant Election Protest is improperly filed before this Commission,” ayon sa 8 pages decision mula sa COMELEC.
Sinabi ni COMELEC na dapat umano maliban sa First Division ay naghain rin ang nagreklamo sa sitting COMELEC En Banc sa pamamagitan ng Office of the Clerk ng Commission.
Isa rin umano sa dahilan ng pagbasura sa nasabing protesta ay ang bigo di umanong pagbayad ng cash deposit noong panahong naghain sina Gutierez ng election protest, alinsunod sa Section 2, Rule 11 ng COMELEC Resolution No. 8804.
Wala pang pahayag sina dating SP Gutierrez at si Vice Governor Felix Ylagan.
Matatandaang nag-ugat ang election protest matapos matalo si Gutierrez ni Ylagan sa dalawang presinto sa Barangay Pato-o, Odiongan pagkatapos ng ilang araw na pag-aantay sa pinaayos na SD Card ng Vote Counting Machine noong May 2019 elections.