Ibinasura ng Regional Trial Court Branch 82 ang election protest na inihain ng grupo ni dating SPM Vinezar Maravilla, dating VM Mark Anthony Reyes, SB Virgie Maulion at SB Rollie Lachica laban sa grupo nina Odiongan Mayor Trina Firmalo-Fabic, at Vice Mayor Diven Dimaala.
Sa nakuhang kopya ng 14 pages deicision na nilabas ng RTC noong July 26, sinasabing binabasura ng korte ang protesta dahil sa ‘lack of jurisdiction’ sa nasabing kaso.
Sinabi rin sa rulling na “the filing of a single protest involving several elective positions in the municipal level is prohibited”. Dahil ang iprinoprotesta umano ay ang pwesto ng alkalde, bise-alkalde, at mga konsehal, dapat umano ay tatlong election protest ang inihain ng grupo nina Maravilla.
Matatandaang nag-ugat ang kanilang reklamo matapos matalo noong May 2019 National and Local Elections.
Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang mga nagreklamo at mga inirereklamo.