Pinayagan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Small Town Lottery na mag-operate basta sundin lang ang ilang conditions, ayon kay Philippine Charity for Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Royina Garma.
Sa Facebook Video na nilabas nitong Huwebes, sinabi ni Garma na tinanggal na ni Pangulong Duterte ang suspension sa sabing palaro.
“Pursuant to the recommendations of the Philippine Charity for Sweepstakes Office, the President lifted the suspension of operations of STL authorized agent corporations that are compliant with the conditions of their STL agency agreement and has been remitting its guaranteed minimum retail receipts,” ayon kay Garma.
Isa umano sa mga condition ayon kay Garma ay ang pagbibigay ng cash bond ng mga Authorized Agent Corporations (AAC) na may katumbas na tatlong buwang retail receipts.
Kinumpirma ito ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa isang panayam sa radyo nitong Huwebes ng gabi.
“‘Yong suspension sa STL operations will be lifted by the President immediately after the publication of the implementing rules and regulations, There are certain conditions na ‘yong mga compliant will have to fulfill,” pahayag ni Panelo.
Matatandaang sinuspende ni Pangulong Duterte noong July ang operasyon ng lahat ng number games ng PCSO kasama na ang STL at Lotto dahil sa di umanoy ilang anumalya sa palaro. Nauna ng tinanggal ni Duterte ang suspension sa larong Lotto.