Muli nanaman nagpakawala ng mga bagong pisang pawikan sa Pawikan Hatchery sa Barangay Bunsuran, Ferrol, Romblon nitong Martes, August 13.
Ngayon, may aabot nanaman sa dalawampu’t dalawang endangered hawksbill sea turtle ang kanilang pinakawalan sa dagat sa tulong ng bantay-dagat.
Ang mga munting pawikan na ito ay na-rekober ng mga bantay-dagat sa nasabing baybayin na agad namang inaksyunan ng Local Government ng Ferrol sa pangunguna ni Mr. Julius Castillo.
Ang nasabing pagpapakawala ay pinamunuan ni Engr. Raymund Inocencio galing ng Department of Environment and Natural Resources – Romblon, Mr. Ace Diocadez ng DOST-Provincial Office Romblon, at dinaluhan ng iba’t ibang bisita mula sa RSU, DPWH, PSHS-MRC at maging ng ibang sikat na blogger sa bayan ng Odiongan.
Tiwala naman ang mga nakiisa sa pagpapakawala na mabubuhay ang mga pawikan para makatulong sa pagmaintain ng life cycle ng mga iba’t ibang hayop sa dagat.