Sinimulan sa pamamagitan ng flag raising ceremony at motorcade ng pamunuan ng Romblon Police Provincial Office at Romblon Municipal Police Station ang pagdiriwang ng ika-24 Police Community Relations (PCR) Month ngayong taon.
Sa maikling programa sa compound ng Romblon PPO ay naging panauhing tagapagsalita si Jose Gilbert O. Rabuel, manager ng DBP Romblon Branch kung saan pinuri nito ang mga kapulisan ukol sa maayos na pagapapatupad ng batas at pagpapanatili ng katamihikan sa buong lalawigan.
Kanyang hinimok ang mga tauhan ng RPPO na patuloy na maging malapit sa mamamayan at laging makipag-ugnayan sa mga ito upang patuloy na magtiwala ang mga ito sa pambansang pulisya.
Samantala, pinangunahan naman ni Police Lieutenant Colonel Raquel M. Martinez, Chief, Provincial Community Affairs and Development Branch sa pagsasagawa ng feeding program, film showing, symposium on RA 7610 & 9208 at pamamahagi ng babasahin ukol sa masamang epekto ng ipinagbabawal na gamot sa mga mag-aaral ng Bagacay Elementary School at Calabogo Elementary School.
Ang tema ng selebrasyon ngayong taon ay “Sambayanan, Mahalagang Kaakibat ng Kapulisan sa Pagtataguyod ng Mapayapa at Maunlad na Bayan.”(DMM/PIA-MIMAROPA/Romblon)