Sabayang itinanim nitong Miyerkules, July 31, ang ilang puno ng Pili at Cacao Tree sa bayan ng Santa Maria, Romblon sa pamamagitan ng isang tree planting activity na pinangunahan ng Local Government Unit ng Santa Maria.
Itinanim ang mga nabanggit na puno sa Sitio Ilaya, Barangay Concepcion Sur sa nasabing bayan.
Dinaluhan ito ng mga tauhan ng LGU, Barangay Concepcion Sur, Santa Maria Municipal Police Station, at ilang Non-Government Organizations at volunteers.
Layunin ng nasabing aktibidad na makiisa ang pamahalaang lokal ng bayan ng Sta. Maria sa National Disaster Reliance Month na may Tema ngayong taong na “Kahandaan sa Sakuna’t Peligro Para sa Tunay na Pagbabago”.
Nangako naman ang mga may-ari ng lupa na tinanim na kanilang aalagaan ang mga puno para hindi masayang ang pagod ng mga nagtanim.