Patutuloy na magpapaulan sa probinsya ng Romblon ang hanging habagat na pinalalakas ng bagyong Falcon ayon sa pinakahuling advisory ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong alas-5 ng hapon.
Sinabi ng PAGASA na makakanas ng moderate hanggang heavy rains ang probinsya ng Romblon, gayun rin ang mga probinsya ng Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Occidental Mindoro, northern Palawan kasama ang Calamian at Cuyo Islands.
Pinapaalalahan ng PAGASA ang mga residente sa mga nabanggit na lugar gayun rin sa mga lugar na nasa ilalim ng Storm Signal #2 at #1 na maghanda sa posibleng landslide at flashfloods dahil sa pag-uulan.
Huling namataan ang mata ng bagyong Falcon sa layong 265 km East ng Calayan, Cagayan at gumagalaw patungong North Northwest sa bilis na 20kph.
Taglay parin ng bagyo ang lakas na 65kph malapit sa gitna at may bugso ng hanging aabot sa 80 kph.