Nagsagawa ng inspeksyon ang mga tauhan ng Odiongan Municipal Police Station sa mga lotto outlet at STL operation center sa Odiongan, Romblon nitong umaga ng Sabado alinsunod sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na itigil ang operasyon ng mga ito.
Kinausap ng hepe ng Odiongan Municipal Police Station ang mga empleyado ng operator ng STL sa Romblon na huwag magbubukas at mag-ooperate simula ngayong araw.
Naglagay rin sila ng mga signage sa labas ng mga establishments nito para makita ng publiko na sarado ang mga gaming outlets na may lisensya mula sa PCSO.
Nilagyan rin nila ng close signage ang aabot sa 4 na lotto outlet sa bayan ng Odiongan kabilang na ang Lotto outlet na nakapagpa-panalo na ng 3 PCSO Lotto Jackpot.
Ayon kay Fenandez, hulihihin nila ang mga agents ng Lotto at STL na makikita nilang magpapataya simula ngayong araw dahil itinuturing na ngayon itong iligal ng gobyerno.