Ipinag-utos ni Pangulong Duterte nitong Biyernes ng gabi na ipatigil ang operasyon ng lahat ng sugal na may lisensya mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
“Sa mga kababyan ko, I have today ordered the closure, the stoppage of all gaming schemes of whatever nature however that got the franchises to do so from PCSO,” ayon sa isang special message ni Duterte.
Kasama sa mga pinatitigil ang lotto games, STL, Peryehan ng Bayan, KENO, at iba pa.
Ayon sa Pangulo, ang usapin patungkol sa katiwalian at kurapsyon ang basehan ng kanyang kautusan.
Inatasan din ni Duterte ang Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na tiyaking maipatutupad ang kaniyang direktiba habang iniimbestigahan ang naturang usapin