Pinaghahandaan na ng pamunuan ng Romblon State University at ng Provincial Government ng Romblon ang gaganaping Southern Tagalog Regional Association of State Universities and Colleges (STRASUC) Olympics 2019 sa probinsya sa darating na Nobyembre.
Isa sa paghahanda ng probinsya ay pinatatayo ng Provincial Government sa pangunguna ni Governor Eduardo Firmalo ay ang olympic size swimming pool, new soccer field, at tennis court sa loob ng Romblon State University Main Campus.
Ayon sa pahayag ni Firmalo, ang pinatatayong mga bagong facility ay para mas mahubog ang mga atleta ng unibersidad pagdating sa swimming, soccer, at sa lawn tennis.
Pinangunahan ni Firmalo ang blessing ceremony ng mga itinatayong facility nitong Lunes, June 18.
Nagpasalamat naman si Dr. Arnulfo De Luna, presidente ng Romblon State University, sa pamunuan ng provincial government dahil malaking tulong ang mga nasabing sports facility para sa mga estudyante lalo na umano kapag nag-host ng malalaking event ang RSU katulad ng STRASUC at mga Regional Athletic Meets.
Inaasahang matatapos ang mga pinatatayong mga facility bago ang olympics ngayong Nobyembre.