Pormal ng nanumpa at umupo ngayong araw bilang bagong Gobernador ng probinsya ng Romblon si Jose “Otik” Ruado Riano matapos manalo ng mahigit 12,000 votes noong nakaraang election kontra kay Engr. Robert Fabella.
Sa panayam ng pahayagang Romblon Sun kay Riano, sinabi nito God’s will at destiny ang kanyang pagkakapanalo bilang Gobernador noong May Elections.
“Aking ipinaabot ang taos puso kong pasasalamat, una sa Panginoong Diyos, sa aking mga kasama sa partido, sa aking pamilya na buo ang suporta sa aking kandidatura, at sa lahat na bumoto at tumulong sa akin para makamit ko ang panalong ito, ang tagumpay ko ay tagumpay rin nating lahat,” ayon sa bagong Gobernador.
Bilang kauna-unahang Gobernador ng probinsya mula sa bayan ng Romblon, tutukan umano niya ang pantay-pantay na pag-unlad ng iba’t ibang bayan lalo na ang kapitolyo ng lalawigan.
Si Riano na nanungkulan ng dalawang termino bilang Bise-Gobernador ng Probinsya ay uupo bilang Gobernador kapalit ni Dr. Eduardo Firmalo na nakatapos ng kanyang tatlong termino mula 2010.