Isa sa 2,029 na pinalad na pumasa sa katatapos lang na June 2019 Environmental Planner Licensure Examination ay ang alkalde ng bayan ng Odiongan na si Mayor Trina Firmalo-Fabic.
Batay sa resulta na nilabas ng Professional Regulation Commission (PRC) ngayong araw, June 11, sinabi nila na 2,029 ang nakapasa mula sa 4,973 na kumuha ng exam, at isa rito ang alkalde ng Odiongan.
Ang nasabing exam ay ginanap nitong June 5-6 sa mga center sa Manila, Baguio, Cagayan De Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Legazpi, Lucena, Pagadian, Tacloban at Tuguegarao.
Samantala, tatlo ring graduate ng Romblon State University ang nakapasa sa nasabing pagsusulit na binigay ng mga miyembro ng Board of Environmental Planning.
Nakapasa rin ang ilang mga nagtatrabaho sa probinsya na sina Dr. Reynaldo Ramos ng Romblon State University, Joan Fiedacan-Fos ng Sta Maria LGU, at Henry Firmalan ng Department of the Interior and Local Government.
Maaring bisitahin ang website ng PRC para sa buong resulta: https://www.prc.gov.ph/article/june-2019-environmental-planner-licensure-examination-results-released-three-3-working-days