Sa kanyang pag-alis bilang Gobernador ng lalawigan ng Romblon ng siyam (9) na taon, iiwan ni Governor Eduaro Firmalo ang probinsya na may aabot sa halos P1.3-billion na pondo ngayong 2019.
Sinabi ni Firmalo na ang budget na kanyang iiwan sa probinsya ay malaking tulong lalo na sa mga mahihirap na makaka-avail ng mga programa ng Provincial Government kagaya ng Sulong Health Card, at mga infrastracture projects.
Ibinida rin ni Firmalo ang mga nakuhang parangal ng lalawigan ng Romblon magmula sa pagiging awardee ng Seal of Good Local Governance, Good Financial Housekeeping, NPA-Free Province, Most Fillariasis Free Province, Most PWD Friendly Province, at iba pa.
Ang programa ni Firmalo nitong nagdaang siyam na taon ay tumutok sa Infrastructure, Health, Education, Agriculture, Reforestation, Tourism at Peace o tinawag niyang ‘I-HEART Peace’.
Sa huling talumpati ni Firmalo sa publiko noong pagdiriwang ng Independence Day sa Odiongan, nagpasalamat ito sa mga sumuporta sakanya magmula sa kanyang pamilya, mga kaibigan, at sa lahat ng nagtiwala sa kanyang pakikibaka noong nakaraang election.
Si Firmalo ay papalitan ni incumbent Vice Governor Jose Riano sa tanghali ng June 30 bilang bagong Gobernador.