Ipinagdiwang ngayong araw ng bayan ng Ferrol ang kanilang 41st Ferrol Founding Anniversary kasabay ng kanilang 6th Kuron Festival.
Sinimulan ang pagdiriwang ngayong araw sa pamamagitan ng civic parade paikot ng Poblacion kasabay ang street dancing competition na sinalihan ng mga tribu mula sa iba’t ibang barangay ng bayan ng Ferrol.
Nagkaroon rin ng ground demonstration at pagkatapos nito ay ang ‘Pakaon sa Pista’ kung saan nagsalo-salo ang mga dumalo sa inihandang pagkain ng mga organisers.
Sa huli, itinanghal na champion ang sa Street Dancing Competition ang grupo mula sa Barangay Agnocnoc.
Naging highlight rin sa pagdiriwang ang naglalakihang mga Kuron na nakadisplay sa labas ng Munisipyo dahil agaw pansin ito sa mga turista.
Nagsimula ang week-long celebration nitong June 8 at matatapos sa June 13 kung saan magkakaroon ng Ferrolanon Got Talent – Grand Finals Night sa kanilang plaza.