Ililipat na sa Barangay Lonos mula sa Poblacion ang kulungan ng mga Person Deprived of Liberty (PDL) sa kapitolyo ng probinsya ng Romblon.
Ginanap ngayong araw ang groundbreaking ceremony sa lugar kung saan itatayo ang bagong gusali ng Bureau of Jail Management and Penology – Romblon District Jail sa Barangay Lonos.
Pinangunahan ito nina Mayor Mariano Anoy Mateo, Vice Mayor Mac Mac Silverio, ilang opisyal ng Barangay Lonos, at mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology – MIMAROPA sa pangunguna ni Jail Senior Inspector Jorge Allan D’May Soriano, Chief Logistics ng BJMP-MIMAROPA, at Jail Senior Inspector Irene Gaspar, Jail Provincial Administrator.
Ayon sa pamunuan ng BJMP, nagkakahalaga ng halos P5-million pesos ang itatayong isang palapag na kulungan sa lugar.
Malaking tulong umano ito para mabawasan ang pagsisiksikan ng mga PDL sa kasalukuyang piitan nila sa Poblacion at sa Odiongan District Jail.